SINAYANG NA BIYAYA

Image result for LARAWANG NG SIGARILYO
https://christianavila2017.files.wordpress.com/2017/10/asdasdasdasd.jpg?w=663

Ang paggamit ng sigarilyo ay dumoble sa buong mundo mula pa noong 1960s hanggang ngayon. Ngunit noong nakaraan dalawang dekada, ang paninigarilyo ay bumaba na sa mga kanluraning bansa habang ang mga umuunlad na bansa ay patuloy na lumalaki ng 3-4 % taon-taon. Nakakabahala na 80% ng paglaki nito ay nangyayari sa Malayong Silangan, na kung saan ang China ay mayroon isa sa bawat tatlong naninigarilyo. Ang mga kababaihan ang siyang pinatatamaan ngayon ng industriya ng tabako dahil siyam na porsiyento lamang sa kanila ang naninigarilyo sa umuunlad na bansa kumpara sa 50% sa mga kalalakihan. Umapela ang Malacañang sa publiko na makipagtulungan sa awtoridad sa pagpapatupad ng Executive Order (EO) hinggil sa pagbabawal ng paninigarilyo. Ayon kay Presidential spokesman Ernesto Abella, ang kautusan ay isang “milestone” na binibigyang-prayoridad ng pamahalaan ang kalusugan ng mga mamamayan. Ito, ayon kay Abella, ang katuparan ng ating adhikain na maging tobacco-free ang Pilipinas sa hinaharap. Kailangang suportahan ng taumbayan ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, tulad ng paaralan, kainan, at sa mga kulob na lugar o enclosed places at hindi lang ang pinagbabawal na gamot ang dapat na tinututukan. Umapela ang Malacañang sa publiko na makipagtulungan sa awtoridad sa pagpapatupad ng Executive Order (EO) hinggil sa pagbabawal ng paninigarilyo. Ayon kay Presidential spokesman Ernesto Abella, ang kautusan ay isang “milestone” na binibigyang-prayoridad ng pamahalaan ang kalusugan ng mga mamamayan. Ito, ayon kay Abella, ang katuparan ng ating adhikain na maging tobacco-free ang Pilipinas sa hinaharap. Kailangang suportahan ng taumbayan ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, tulad ng paaralan, kainan, at sa mga kulob na lugar o enclosed places at hindi lang ang pinagbabawal na gamot ang dapat na tinututukan.

          Marami ngayon ang gumagamit ng sigarilyo sa ating bansa ngunit mas marami ang bilang ng mga kabataan na sa murang edad pa lamang ay naninigarilyo na. Bunga ng maagang paninigarilyo ay maraming sakit ang lumalabas na epekto ng paggamit ng sigarilyo. Bukod sa kanser sa baga, nagdudulot din ng cancer sa lalamunan, leeg at bibig at sakit sa puso ang paninigarilyo. Ang kemikal na taglay ng tabako ay nagdudulot ng cancer sa suso. Isa sa mga pangunahing sakit na nakukuha sa paninigarilyo ay ang tuberculosis o ang tinatawag nilang TB. Ito ay sakit na mahirap agapan lalo na pagmatagal na itong sakit ng isang tao , ito ay ang pagkasira ng baga at atay ng isang tao na kung saan ang kanyang mga atay ay hindi na gumagalaw ng maayos sanhi ng usok na galing sa mga upos ng sigarilyo ay may taglay na kemika na pwedeng sumira ng baga at magbibigay sakit sa mga tao.

           Marami ang naipupunta sa hospital dahil sa epekto ng sigarilyo kung saan marami ang iniindang mga sakit na nakuha sa sigarilyo. Kadalasan ang mga nasa hospital ay ang may malubha nang sakit ,gaya na lang ng mga matatanda na kung saan sa ilang taon nilang pamamalagi dito sa mundo ay inuna nila ang paggamit ng sigarilyo. Ilan sa mga nasahospital na nagpapagamot ay ang may malubhang, sakit na ginanamitan  ng mga tinatawag na “life support”.Ang iba na ay naghihinalo dahil ang kanilang mga lamang loob ay hindi na gumagana ng maayos.Ang iba ay sa hospital na nawawalan ng buhay. Sa ilang araw na pamamalagi sa hospital ay may naipon ding mga bayarin na naiwan.

          Ang paninigarilyo ay may mga sakit at matinding karamdaman ang ipinababatid sa atin . Ito ang isang masamang gawain na dapat hindi pinapakita sa mga kabataaan. Sa Pilipinas nasa mahigit 100,000 ang namamatay kada taon dahil sa paninigarilyo”. Habang bata tayo isipin natin ang ating kinabukasan, Hindi puros kabalastogan at kasiyahan ang ating ginagawa”

MGA SANGGUNIAN:

Click to access lottalcancro-fumo-fil.pdf

https://www.philstar.com/opinyon/2010/05/27/578437/editoryal-mga-sakit-na-nakukuha-sa-paninigarilyo

http://news.abs-cbn.com/news/05/31/19/highttpsit-24-milyong-pinoy-biktima-ng-hanging-may-halong-usok-ng-yosi-doh

Published by Tagalen_01

student

5 thoughts on “SINAYANG NA BIYAYA

  1. Masasabing ang pagkakalahad ng mga impormasyon ay may pagkakasunod-sunod at ang mga salita at talata ay may pagkakaisa. Ang pokus na punto ng awtor sa paksang paninigarilyo ay tumpak at ang mga larawang ginamit ay naaayon sa paksa. Mayroon lamang kaunting pagkakamali tulad sa baybay ng mga salita at dapat itong ayusin.

    Like

  2. Maganda ang pagkasunod sunod ng mga kaisipan. Malayang naipapakita sa aming mambabasa ang mga impormasyon patungkol sa paninigarilyo at mga epekto nito. Maaari lamang na basahin muli at siguraduhing maayos ang mga espasyo at mga salita bago ilimbag.

    Like

  3. Ang bawat impormasyon tungkol sa paksa ay nailahad ng maayos at mabuti lalo na ang ideya ng pagtaas ng mga gumagamit ng sigarilyo at masamang epekto nito sa publiko. Ang pahayag ay masasabi ding epektibo sa mga mambabasa lalo na sa kabataan. Kailangan lamang ayusin ng manunulat ang koneksyon ng bawat talata o ang paggamit ng mga transitional devices.

    Like

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started