Bawat isa ay may maipagmamalaking probinsya kung saan tayo nanggaling. Lugar kung saan natin unang imulat ating mga mata at naamoy halimuyak ng hangin. Lalawigan kung saan natin nakita ang tunay na kulay ng paligid at dito natutung mamuhay ng payapa. Ang Cordillera Administrative Region (CAR) ay isang rehiyon na matatagpuan sa hilagang bahagi ng Pilipinas. Ang pangalang “Cordillera” ay galing sa salitang Español na cuerda na may kahulugang “tanikala.” Ang Kabundukang Cordillera ay tila tanikala ng mga bundok kaya tinaguriang “spinal cord” o gulugod ng Hilagang Luzon. Binubuo ito ng Mountain Province, Benguet, Ifugao, Kalinga-Apayao at isinama ang Abra. Noong 14 Pebrero 1995, ang Kalinga-Apayao ay pinaghiwalay bilang dalawang lalawigan.
Ang probinsya ng Mountain Province ay binubuo ng sampung munisipyo at isa na dito ang munisipyo ng Bauko. Halos 22 na barangay ang nakapaloob sa munisipalidad ng Bauko at isa na dito ang barangay Sadsadan na kinabibilangan ng sitio Sumey-ang, Bato Sadsadan Bauko Mt. Provice. Maraming magagandang tanawi ang matagtagpuan dito ngunit hindi pa bukas sa turismo sapagkat ang mga taong nakatira dito ay may paninindigan at hangad na maipriserba ang mga natatagong yaman nito.
Makikita sa lugar ang bayanihan kung tawagin, sa panahon ng kahirapan bawat isa ay nagtutulungan. Ang mga palayan sa lugar ay malalayo ilang bundok ang dapat mong tawirin bago ka makarating kaya sa tuwing taniman na nang palay lahat ay nagkakaisa bawat isa ay nagtutulungan sa isang banda hanggang matapos ang lahat. Kung sa panahon ng pagluluksa bawat isa ay nakikidalamhati, sa unang araw ng pagluluksa ang mga lalaki ay nagsasamasama upang kumuha ng kahoy at ang mga babae naman ay nagtutulungan sa mga bagay na kaylangan ng pamilyang nasa kalungkutan. Kung may pagdiriwang magaganap ang mga lalaki ay nagtutulungan sa pagluluto ng pagkain at ang mga babae naman ay naghuhugas ng mga pinggan na nagamit ngunit sa oras ng kainan bawat isa ay nag sisitayuan upang abutin ang mga pagkain na ipamimigay sa mga tao.


Tuwing araw ng pasko karamihan ay may handa kaya pwede kang makikain sa mga hinain nila. Tuwing gabi ay may nagtitipontipon sa sentro ng lugar upang magpatugtug ng “gangsa” kung kanilang tawagin kasabay ng paggawa ng apoy (Bonfire) na kanilang pinapalibotan sapagkat sa lugar na ito mararamdaman mo ang hangin na dumadampi sayo kaya kailangan ng pampainit.
Sa lugar na ito maraming tanawin ang nakapaloob dito isa na dito ang Hagdan-hagdang palayan ng Sumey-ang, Bato Sadsadan na kung tawagin nila ang mga lugar na ito ay Sango-an, Sinakyay at Miligan. Ayon sa kwento ng mga matatanda sa Miligan ang unang tirahan ng mga ninuno kung saan dito sila namuhay ng mapayapa ngunit sa nagdaang taon sinubok sila ng tadhana kung saan isang sakit ang dumapo sa kanila at marami ang namatay at ang ibang natitira ay nagkawatakwatak na hanggang sa mapadpad sila sa ibat ibang sulok ng Mt. Provice. Sa mismong lugar ay doon din inilibing ang ibang mga kamaganak na namatay dahil sa sakit na iyon . Sa isang batong malaki ay makikita sa ilalim ang mga bungo ng tao na nagpapatunay sa kwento ng mga matatanda.
Kung tubig din ang pag-uusapan ang sitio Sumey-ang, Bato ay pinapalibutan ng malalaki at magagandang talon at ito ay pinangalanang Ampasit, Inudey , Talimpayok, Namalidang , at Buwaya. Sa kwento ng mga matatanda sila Ampasit at Inudey ay magkapatid na ulila ngunit sila ay nagasawa. Isang araw ay naglakbay sila ngunit sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay ay nauhaw si Ampasit kaya siya tumigil at naghukay ng lupa habang ang kanyang asawang si Inudey ay patuloy sa paglalakay nang siya ay makaramdam din ng pagkauhaw at siya ay napatigil din at nagsimulang maghukay sa lupa. Ang dalawang magasawa ay nagpatuloy sa kanilang paghuhukay hanggang naka hanap sila ng tubig nang bigla itong lumakas at sila ay tinangay ng agos hanggang sa tumagal ay pinanglanan nila itong Ampasit Falls at Inudey falls at nang ito ay tumagal may ilang maliliit na talon ang makikita sa pagitan ng dalawang talon at ito ay pinaniniwalaang mga anak ng dalawa.
Sa nakalipas na panahon ay maraming nabago sa sitio kung saan namulat ang mga mata mapupusyaw at nabuo ang isang pagkatao ngunit hindi pa din na babago ang ganda at mabangong simoy ng hangin. Mga ugaling pinamana ng mga ninuno ay hindi pa din kumukupas at nawawala. Taglay ng bawat sila ang payo ng mga nakakatanda , kaya kahit lumipas man ang panahon hindi mawawala sa isip at puso ang lugar kung saan naging tao ang batang musmus pa noong nakalipas na sampung taon, sabi nga nila “ THERES NO OTHER PLACE LIKE HOME”.
MGA SANGGUNIAN:








