“KAMPANYA KONTRA ILLEGAL NA DROGA”

Related image
http://www.asianews.it/news-en/Filipino-bishops-and-believers-against-violent-drug-war,-culture-of-death-39883.html

Ang kampanya kontra droga ay isang polisiya na ipinatupad ng gobyero ng Pilipinas at ito ay nagsimula noong Hunyo 30, 2016 noong nahalan na bagong pangulo si Rodrigo Duterte. Ayon sa Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa, ang polisiyang ito ay hangad ang neutralisasyon ng mga drug personalities sa bansa. Ayon sa SONA ng pangulo sinabi niya na “You destroy my people, you destroy my children and I will destroy you” ito ay isang salaysay na malaman at may paninindigan kaya binigyan niya ang mga awtoridad na pumatay ng mga personalidad na sangkot sa droga na nanlaban at huli sa akto. Gayunpaman ang mga awtoridad ay nagbigay ng mga personalidad na positibo at kasangkot sa pinagbabawal na gamot ngunit binibigyan nila ng babala ang mga ito sa pamamagitan ng tinatawag na Oplan Tokhang para sila ay maalerto. Ngunit maraming awtoridad ang nangaabuso ng kanilang mga posisyon kung saan ay marami ang pinapatay dahil lamang sa maling akusasyon. Maraming kabataan ang maagang nawawalan ng magulang at marami ding magulang ang nakakaranas  mawalan ng anak dahil lamang sila ay mga nagtutulak ng druga, nagbibinta, gumagamit at ang iba ay mga innosenting tao na pinapatay ng mga awtoridad at kadalasan ang kanilang mga dipensa ay sila ay NANLABAN. Sa panahong ngayon ang ating bansa ay may hinaharap na problema at ito ay ang  paggamit ng ipinagbabawal na gamot at dahil dito ang Pangulong Duterte ay gumawa ng aksyon upang baguhin ang takbo ng buhay ng mga taong naka depende sa pinagbabawal na gamot. Bilang isang mag-aaral para sa akin ang kampanya laban sa pinagbabawal na gamot ay dapat na bigyan ng solusyon sapagkat ito ay may malaking epekto sa ating kumunidad o bansa. Maki-isa tayo sa problemang ito na kung saan magtayo tayo ng isang lugar o bansa na walang druga at kapayapaan ang makikita. Sa pagsugpo sa problemang ito hindi lamang ang gobyerno ang  laging nakikibahagi bagkus lahat tayo kabilang, ang ating pamilya, kaibigan mga gumagamit ng pinagbabawal na gamot upang mahanap natin ang pinapangarap na kapayabaan.

        Kung ating susuriin ngayon maraming kabataan ang nasisira ang kinabukasan dahil lamang sila ay ginagamit upang magtulak ng droga o dikaya ay gumamit nito at sa paraang ito isinasakripisyo nila ang kanilang pag-aaral upang magbinta ng illegal na droga dahil lamang sa kanilang pangangaylangan. Sila ay nakakagawa ng karumaldumal na krimen dahil sa epekto ng illegal na droga kung saan nawawala na sila sa katinuan  at umaasta sila parang hayop. Sa mga makaraang araw laman ng balita sa radio, telebisyon , dyaryo, at social media na maraming kabataan ang sangkot sa krimen dahil sa epekto ng pinagbabawal na gamot at marami din ang namatay dahil dito. Sa ngayon ang gobyero ay kumikilos na upang masugpo ang illegal na droga. Ayon sa isinagawang pagsusuri ibinunyag nila na ang pagsisikap na malinis ang Pilipinas laban sa illegal na droga ay nagresulta ng mahigit 450 na anti-sibilyan na actibidad na nagresulta ng 490 na katao ang namatay mula Enero 2019. Ang pangunahing tigpong lugar ay Luzon at Calabarzon 23 persyento ang namatay at sa NCR 10 persyento ang namatay na binalita.

        Ang Commision of Human Right (CHR) ay nagsagawa ng imbestigasyon sa mga nilabag na karapatang pantao laban sa mga isinasagawang operasyon kabilang na ang pang mamamayan at political na karapatan. Ayon sa resulta ng imbestigasyon ng Human Right sinasabi ng gobyerno na ang pagpatay sa mga pinaghihinalaang gumagamit ng droga at mga nagbibinta ay legal at walang nilabag na batas. Ngunit ang Human Rights ay naniniwala na may Exta-Judicial Killing ang nangyayari habang isinasagawa ng ordinansa. Naniniwala sila na maraming innosenting tao ang napapatay dahil lang sa maling acusasyon at napapatay dahil sa walang kadahilanan. Gayumpaman kung ating susuriin ngayon ang ating bansa ay malaki ang posibilidad na mabago ito sapagkat marami ang sumuko at nagsimula ng panibagong buhay ayon sa mga ulat sa balita at mga artikulo. Ang gobyerno ay hindi tumitigil na sugpuin ang illegal na druga at layuning mahuli ang mga Drug Lords ngunit kung ating papansinin karamihan sa mga ito ay mga may katungkolan sa gobyerno. Ang  bansang  Pilipinas ay nagsisimula na ng bansang mapayapa para sa sususnod na henerasyon.

        Ngayon sa ating bansa mainit na problema ang usapin patungkol sa pagsugpo ng droga na kung saan naniniwala ang mga nasa Human Rights na may nalalabag na karapatang pantao ngunit ayon sa mga Philippine National Police ay wala silang nilalabag bagkos ginagawa lang nila ang kanilang mga trabaho. Sa isang banda marami ang may ayaw sa pamamalakad ni Pangulong Duterte ngunit mas marami ang naniniwala sa kanya dahil nakikita nila ang malaking pagbabago sa ating bansa. Ang pagsugpo sa illegal na druga ay isa rin sa prayoridad ng Pangulo sapagkat ayaw niyang maging sento ang ating bansa ng kalakalan sa ipinagbabawal na gamot. Ngayon ang ating bansa ay nakikitaan na ng ligtas na pwede nang lumabas kahit na gabi. Kung ang ating pangulo ay hindi tinutukan ang pagsugpo sa illegal na druga maaring ang ating bansa ay hindi ligtas at maari ding humantong ng kaguluhan,maaring maraming  kabataan at tao ang malululong dito atsanhi ng hindi ligtas na paligid. Habang tumatagal ang ordinansang ito, maraming mga gumagamit at nagbibita ng ipinagbabawal na gamot ang patungo sa kanilang magandang landas at pilit na binabago ang kanilang mga buhay para sa panibagong bukas ika nga nila “ May lugar ang lahat ng taong gustong magbago”. Gayundin ay humahanga ako sa mga pulisya na ginagawa nila ng maayos ang kanilang mga trabaho kahit na ang iba ay sinasamantal nila ng kanilang mga posisyon, maraming pulisya pa rin ang nagpapakita ng katapatan sa kanilang mga trabaho upang ipanumbalik ang tiwala ng mga mamamayan sapagkat hindi lahat ay abusado. Para sa akin ang gobyerno ay dapat na pagtibayin ang grupo ng pulisya na tapat sa kanilang mga tungkulin lalong-lalo sa Oplan Tokhang para madali nilang marisulba ang problema at matulongan ang mga sumusuko na magsimula ng panibagong buhay. Bilang isang mag-aaral at mamamayang Pilipino umaasa ako na ang Kampanya Konta Droga ay maisagawa at maipatupad ng balance na kung saan ang mga awtoridad ay kumilos ng tama para sa lahat at sa bayan hindi lang para sa kanilang mga sarili.

Published by Tagalen_01

student

2 thoughts on ““KAMPANYA KONTRA ILLEGAL NA DROGA”

  1. Maganda ang pagkakagawa ng blog dahil maraming impormasyon ang naipaloob dito. Sa bawat talata may sapat na impormasyon at katayuan ng manunulat. Ipagpatuloy pa ang panunulat baka ito ay makatulong sa lipunan.

    Like

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started