“GANDA NG KABUNDOKAN, LUGAR NA PINAGMULAN”

Bawat isa ay may maipagmamalaking probinsya kung saan tayo nanggaling. Lugar kung saan natin unang imulat ating mga mata at naamoy halimuyak ng hangin.  Lalawigan kung saan natin nakita ang tunay na kulay ng paligid at dito natutung  mamuhay ng payapa.  Ang Cordillera Administrative Region  (CAR) ay isang rehiyon na matatagpuan sa hilagang bahagi ng  Pilipinas. Ang pangalang “Cordillera” ay galing sa salitang Español na cuerda na may kahulugang “tanikala.” Ang Kabundukang Cordillera ay tila tanikala ng mga bundok kaya tinaguriang “spinal cord” o gulugod ng Hilagang Luzon. Binubuo ito ng Mountain Province, Benguet, Ifugao, Kalinga-Apayao at isinama ang Abra.  Noong 14 Pebrero 1995, ang Kalinga-Apayao ay pinaghiwalay bilang dalawang lalawigan.

                Ang probinsya ng Mountain Province ay binubuo ng sampung munisipyo at isa na dito ang munisipyo ng Bauko. Halos 22 na barangay ang nakapaloob sa munisipalidad ng Bauko at isa na dito ang barangay Sadsadan na kinabibilangan ng sitio Sumey-ang, Bato Sadsadan Bauko Mt. Provice. Maraming magagandang tanawi ang matagtagpuan dito ngunit hindi pa bukas sa turismo sapagkat ang mga taong nakatira dito ay may paninindigan at hangad na maipriserba ang mga natatagong yaman nito.

                Makikita sa lugar ang bayanihan kung tawagin,  sa panahon ng kahirapan bawat isa ay nagtutulungan. Ang mga palayan sa lugar ay malalayo ilang bundok ang dapat mong tawirin bago ka makarating kaya sa tuwing taniman na nang palay lahat ay nagkakaisa bawat isa ay nagtutulungan sa isang banda hanggang matapos ang lahat. Kung sa panahon ng pagluluksa bawat isa ay nakikidalamhati, sa unang araw ng pagluluksa ang mga lalaki ay nagsasamasama upang kumuha ng kahoy at ang mga babae naman ay nagtutulungan sa mga bagay na kaylangan ng pamilyang nasa kalungkutan. Kung may pagdiriwang magaganap ang mga lalaki ay nagtutulungan sa pagluluto ng pagkain at ang mga babae naman ay naghuhugas ng mga pinggan na nagamit ngunit sa oras ng kainan bawat isa ay nag sisitayuan upang abutin ang mga pagkain na ipamimigay sa mga tao.

                 Tuwing araw ng pasko karamihan ay may handa kaya pwede kang makikain sa mga hinain nila. Tuwing gabi ay may nagtitipontipon sa sentro ng lugar upang magpatugtug ng “gangsa” kung kanilang tawagin kasabay ng paggawa ng apoy (Bonfire) na kanilang pinapalibotan sapagkat sa lugar na ito mararamdaman mo ang hangin na dumadampi sayo kaya kailangan ng pampainit.

                Sa lugar na ito maraming tanawin ang nakapaloob dito isa na dito ang Hagdan-hagdang palayan ng Sumey-ang, Bato Sadsadan  na kung tawagin nila ang mga lugar na ito ay Sango-an, Sinakyay  at Miligan.  Ayon sa kwento ng mga matatanda sa Miligan ang unang tirahan ng mga ninuno kung saan  dito sila namuhay ng mapayapa ngunit sa nagdaang taon sinubok sila ng tadhana kung saan isang sakit ang dumapo sa kanila at marami ang namatay at ang ibang natitira ay nagkawatakwatak na hanggang sa mapadpad sila sa ibat ibang sulok ng Mt. Provice. Sa mismong lugar ay doon din inilibing ang ibang mga kamaganak na namatay dahil sa sakit na iyon . Sa isang batong malaki ay makikita sa ilalim ang mga bungo ng tao na nagpapatunay sa kwento ng mga matatanda.

                Kung tubig din ang pag-uusapan ang sitio Sumey-ang, Bato  ay pinapalibutan ng malalaki at magagandang talon at ito ay pinangalanang Ampasit, Inudey , Talimpayok, Namalidang , at Buwaya. Sa  kwento ng mga matatanda sila Ampasit at Inudey ay magkapatid na ulila ngunit sila ay nagasawa. Isang araw ay naglakbay sila ngunit sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay ay nauhaw si Ampasit kaya siya tumigil at naghukay ng lupa habang ang kanyang asawang si Inudey ay patuloy sa paglalakay nang siya ay makaramdam din ng pagkauhaw at siya ay napatigil din at nagsimulang maghukay sa lupa. Ang dalawang magasawa ay nagpatuloy sa kanilang paghuhukay hanggang naka hanap sila ng tubig nang bigla itong lumakas at sila ay tinangay ng agos hanggang sa tumagal ay pinanglanan nila itong Ampasit Falls at Inudey falls at nang ito ay tumagal may ilang maliliit na talon ang makikita sa pagitan ng dalawang talon at ito ay pinaniniwalaang mga anak ng dalawa.

                Sa nakalipas na panahon ay maraming nabago sa sitio kung saan namulat ang mga mata mapupusyaw at nabuo ang isang pagkatao ngunit hindi pa din na babago ang ganda at mabangong simoy ng hangin. Mga ugaling pinamana ng mga ninuno ay hindi pa din kumukupas at nawawala. Taglay ng bawat sila ang payo ng mga nakakatanda , kaya kahit lumipas man ang panahon hindi mawawala sa isip at puso ang lugar kung saan naging tao ang batang musmus pa noong nakalipas na sampung taon, sabi nga nila “ THERES NO OTHER PLACE LIKE HOME”.

MGA SANGGUNIAN:

https://philippineculturaleducation.com.ph/cordillera-administrative-region-car/https://www.dilgcar.com/index.php/2015-07-10-09-39-31/province-of-mt-province

SINAYANG NA BIYAYA

Image result for LARAWANG NG SIGARILYO
https://christianavila2017.files.wordpress.com/2017/10/asdasdasdasd.jpg?w=663

Ang paggamit ng sigarilyo ay dumoble sa buong mundo mula pa noong 1960s hanggang ngayon. Ngunit noong nakaraan dalawang dekada, ang paninigarilyo ay bumaba na sa mga kanluraning bansa habang ang mga umuunlad na bansa ay patuloy na lumalaki ng 3-4 % taon-taon. Nakakabahala na 80% ng paglaki nito ay nangyayari sa Malayong Silangan, na kung saan ang China ay mayroon isa sa bawat tatlong naninigarilyo. Ang mga kababaihan ang siyang pinatatamaan ngayon ng industriya ng tabako dahil siyam na porsiyento lamang sa kanila ang naninigarilyo sa umuunlad na bansa kumpara sa 50% sa mga kalalakihan. Umapela ang Malacañang sa publiko na makipagtulungan sa awtoridad sa pagpapatupad ng Executive Order (EO) hinggil sa pagbabawal ng paninigarilyo. Ayon kay Presidential spokesman Ernesto Abella, ang kautusan ay isang “milestone” na binibigyang-prayoridad ng pamahalaan ang kalusugan ng mga mamamayan. Ito, ayon kay Abella, ang katuparan ng ating adhikain na maging tobacco-free ang Pilipinas sa hinaharap. Kailangang suportahan ng taumbayan ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, tulad ng paaralan, kainan, at sa mga kulob na lugar o enclosed places at hindi lang ang pinagbabawal na gamot ang dapat na tinututukan. Umapela ang Malacañang sa publiko na makipagtulungan sa awtoridad sa pagpapatupad ng Executive Order (EO) hinggil sa pagbabawal ng paninigarilyo. Ayon kay Presidential spokesman Ernesto Abella, ang kautusan ay isang “milestone” na binibigyang-prayoridad ng pamahalaan ang kalusugan ng mga mamamayan. Ito, ayon kay Abella, ang katuparan ng ating adhikain na maging tobacco-free ang Pilipinas sa hinaharap. Kailangang suportahan ng taumbayan ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, tulad ng paaralan, kainan, at sa mga kulob na lugar o enclosed places at hindi lang ang pinagbabawal na gamot ang dapat na tinututukan.

          Marami ngayon ang gumagamit ng sigarilyo sa ating bansa ngunit mas marami ang bilang ng mga kabataan na sa murang edad pa lamang ay naninigarilyo na. Bunga ng maagang paninigarilyo ay maraming sakit ang lumalabas na epekto ng paggamit ng sigarilyo. Bukod sa kanser sa baga, nagdudulot din ng cancer sa lalamunan, leeg at bibig at sakit sa puso ang paninigarilyo. Ang kemikal na taglay ng tabako ay nagdudulot ng cancer sa suso. Isa sa mga pangunahing sakit na nakukuha sa paninigarilyo ay ang tuberculosis o ang tinatawag nilang TB. Ito ay sakit na mahirap agapan lalo na pagmatagal na itong sakit ng isang tao , ito ay ang pagkasira ng baga at atay ng isang tao na kung saan ang kanyang mga atay ay hindi na gumagalaw ng maayos sanhi ng usok na galing sa mga upos ng sigarilyo ay may taglay na kemika na pwedeng sumira ng baga at magbibigay sakit sa mga tao.

           Marami ang naipupunta sa hospital dahil sa epekto ng sigarilyo kung saan marami ang iniindang mga sakit na nakuha sa sigarilyo. Kadalasan ang mga nasa hospital ay ang may malubha nang sakit ,gaya na lang ng mga matatanda na kung saan sa ilang taon nilang pamamalagi dito sa mundo ay inuna nila ang paggamit ng sigarilyo. Ilan sa mga nasahospital na nagpapagamot ay ang may malubhang, sakit na ginanamitan  ng mga tinatawag na “life support”.Ang iba na ay naghihinalo dahil ang kanilang mga lamang loob ay hindi na gumagana ng maayos.Ang iba ay sa hospital na nawawalan ng buhay. Sa ilang araw na pamamalagi sa hospital ay may naipon ding mga bayarin na naiwan.

          Ang paninigarilyo ay may mga sakit at matinding karamdaman ang ipinababatid sa atin . Ito ang isang masamang gawain na dapat hindi pinapakita sa mga kabataaan. Sa Pilipinas nasa mahigit 100,000 ang namamatay kada taon dahil sa paninigarilyo”. Habang bata tayo isipin natin ang ating kinabukasan, Hindi puros kabalastogan at kasiyahan ang ating ginagawa”

MGA SANGGUNIAN:

Click to access lottalcancro-fumo-fil.pdf

https://www.philstar.com/opinyon/2010/05/27/578437/editoryal-mga-sakit-na-nakukuha-sa-paninigarilyo

http://news.abs-cbn.com/news/05/31/19/highttpsit-24-milyong-pinoy-biktima-ng-hanging-may-halong-usok-ng-yosi-doh

“KAMPANYA KONTRA ILLEGAL NA DROGA”

Related image
http://www.asianews.it/news-en/Filipino-bishops-and-believers-against-violent-drug-war,-culture-of-death-39883.html

Ang kampanya kontra droga ay isang polisiya na ipinatupad ng gobyero ng Pilipinas at ito ay nagsimula noong Hunyo 30, 2016 noong nahalan na bagong pangulo si Rodrigo Duterte. Ayon sa Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa, ang polisiyang ito ay hangad ang neutralisasyon ng mga drug personalities sa bansa. Ayon sa SONA ng pangulo sinabi niya na “You destroy my people, you destroy my children and I will destroy you” ito ay isang salaysay na malaman at may paninindigan kaya binigyan niya ang mga awtoridad na pumatay ng mga personalidad na sangkot sa droga na nanlaban at huli sa akto. Gayunpaman ang mga awtoridad ay nagbigay ng mga personalidad na positibo at kasangkot sa pinagbabawal na gamot ngunit binibigyan nila ng babala ang mga ito sa pamamagitan ng tinatawag na Oplan Tokhang para sila ay maalerto. Ngunit maraming awtoridad ang nangaabuso ng kanilang mga posisyon kung saan ay marami ang pinapatay dahil lamang sa maling akusasyon. Maraming kabataan ang maagang nawawalan ng magulang at marami ding magulang ang nakakaranas  mawalan ng anak dahil lamang sila ay mga nagtutulak ng druga, nagbibinta, gumagamit at ang iba ay mga innosenting tao na pinapatay ng mga awtoridad at kadalasan ang kanilang mga dipensa ay sila ay NANLABAN. Sa panahong ngayon ang ating bansa ay may hinaharap na problema at ito ay ang  paggamit ng ipinagbabawal na gamot at dahil dito ang Pangulong Duterte ay gumawa ng aksyon upang baguhin ang takbo ng buhay ng mga taong naka depende sa pinagbabawal na gamot. Bilang isang mag-aaral para sa akin ang kampanya laban sa pinagbabawal na gamot ay dapat na bigyan ng solusyon sapagkat ito ay may malaking epekto sa ating kumunidad o bansa. Maki-isa tayo sa problemang ito na kung saan magtayo tayo ng isang lugar o bansa na walang druga at kapayapaan ang makikita. Sa pagsugpo sa problemang ito hindi lamang ang gobyerno ang  laging nakikibahagi bagkus lahat tayo kabilang, ang ating pamilya, kaibigan mga gumagamit ng pinagbabawal na gamot upang mahanap natin ang pinapangarap na kapayabaan.

        Kung ating susuriin ngayon maraming kabataan ang nasisira ang kinabukasan dahil lamang sila ay ginagamit upang magtulak ng droga o dikaya ay gumamit nito at sa paraang ito isinasakripisyo nila ang kanilang pag-aaral upang magbinta ng illegal na droga dahil lamang sa kanilang pangangaylangan. Sila ay nakakagawa ng karumaldumal na krimen dahil sa epekto ng illegal na droga kung saan nawawala na sila sa katinuan  at umaasta sila parang hayop. Sa mga makaraang araw laman ng balita sa radio, telebisyon , dyaryo, at social media na maraming kabataan ang sangkot sa krimen dahil sa epekto ng pinagbabawal na gamot at marami din ang namatay dahil dito. Sa ngayon ang gobyero ay kumikilos na upang masugpo ang illegal na droga. Ayon sa isinagawang pagsusuri ibinunyag nila na ang pagsisikap na malinis ang Pilipinas laban sa illegal na droga ay nagresulta ng mahigit 450 na anti-sibilyan na actibidad na nagresulta ng 490 na katao ang namatay mula Enero 2019. Ang pangunahing tigpong lugar ay Luzon at Calabarzon 23 persyento ang namatay at sa NCR 10 persyento ang namatay na binalita.

        Ang Commision of Human Right (CHR) ay nagsagawa ng imbestigasyon sa mga nilabag na karapatang pantao laban sa mga isinasagawang operasyon kabilang na ang pang mamamayan at political na karapatan. Ayon sa resulta ng imbestigasyon ng Human Right sinasabi ng gobyerno na ang pagpatay sa mga pinaghihinalaang gumagamit ng droga at mga nagbibinta ay legal at walang nilabag na batas. Ngunit ang Human Rights ay naniniwala na may Exta-Judicial Killing ang nangyayari habang isinasagawa ng ordinansa. Naniniwala sila na maraming innosenting tao ang napapatay dahil lang sa maling acusasyon at napapatay dahil sa walang kadahilanan. Gayumpaman kung ating susuriin ngayon ang ating bansa ay malaki ang posibilidad na mabago ito sapagkat marami ang sumuko at nagsimula ng panibagong buhay ayon sa mga ulat sa balita at mga artikulo. Ang gobyerno ay hindi tumitigil na sugpuin ang illegal na druga at layuning mahuli ang mga Drug Lords ngunit kung ating papansinin karamihan sa mga ito ay mga may katungkolan sa gobyerno. Ang  bansang  Pilipinas ay nagsisimula na ng bansang mapayapa para sa sususnod na henerasyon.

        Ngayon sa ating bansa mainit na problema ang usapin patungkol sa pagsugpo ng droga na kung saan naniniwala ang mga nasa Human Rights na may nalalabag na karapatang pantao ngunit ayon sa mga Philippine National Police ay wala silang nilalabag bagkos ginagawa lang nila ang kanilang mga trabaho. Sa isang banda marami ang may ayaw sa pamamalakad ni Pangulong Duterte ngunit mas marami ang naniniwala sa kanya dahil nakikita nila ang malaking pagbabago sa ating bansa. Ang pagsugpo sa illegal na druga ay isa rin sa prayoridad ng Pangulo sapagkat ayaw niyang maging sento ang ating bansa ng kalakalan sa ipinagbabawal na gamot. Ngayon ang ating bansa ay nakikitaan na ng ligtas na pwede nang lumabas kahit na gabi. Kung ang ating pangulo ay hindi tinutukan ang pagsugpo sa illegal na druga maaring ang ating bansa ay hindi ligtas at maari ding humantong ng kaguluhan,maaring maraming  kabataan at tao ang malululong dito atsanhi ng hindi ligtas na paligid. Habang tumatagal ang ordinansang ito, maraming mga gumagamit at nagbibita ng ipinagbabawal na gamot ang patungo sa kanilang magandang landas at pilit na binabago ang kanilang mga buhay para sa panibagong bukas ika nga nila “ May lugar ang lahat ng taong gustong magbago”. Gayundin ay humahanga ako sa mga pulisya na ginagawa nila ng maayos ang kanilang mga trabaho kahit na ang iba ay sinasamantal nila ng kanilang mga posisyon, maraming pulisya pa rin ang nagpapakita ng katapatan sa kanilang mga trabaho upang ipanumbalik ang tiwala ng mga mamamayan sapagkat hindi lahat ay abusado. Para sa akin ang gobyerno ay dapat na pagtibayin ang grupo ng pulisya na tapat sa kanilang mga tungkulin lalong-lalo sa Oplan Tokhang para madali nilang marisulba ang problema at matulongan ang mga sumusuko na magsimula ng panibagong buhay. Bilang isang mag-aaral at mamamayang Pilipino umaasa ako na ang Kampanya Konta Droga ay maisagawa at maipatupad ng balance na kung saan ang mga awtoridad ay kumilos ng tama para sa lahat at sa bayan hindi lang para sa kanilang mga sarili.

Design a site like this with WordPress.com
Get started